Senior Citizens Birthday Celebration


Isang malaki at masayang selebrasyon ng ating mga lolo at lola na nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan ang dinaluhan ng ating mahal na Mayor Jun Rundstedt C. Ebdane sa People’s Plaza Botolan.

Ang Senior Citizens Birthday Celebration ay handog ng ating mahal na Gobernador Jun Ebdane para sa ating mga senior citizens mula Botolan hanggang Sta. Cruz na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto. Ito ay dinaluhan ng iba’t – ibang opisyales mula sa ibat-ibang bayan ng ating lalawigan.

Muling naipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga lolo at lola sa pamamagitan ng programang ito.

#SeniorCitizensBirthdayCelebration #BagongIba #SulongZambales

Visit Us