International Coastal Clean Up Drive September 21, 2019


Sanib puwersang nagkaisa ang pamunuan ng LGU-Iba thru MENRO, PNP-Iba, at iba pang mga ahensya sa ating bayan upang matagumpay na maisagawa ang International Coastal Clean Up Drive na ginanap noong ika-21 ng Setyembre 2019 sa ganap na ika 6 hanggang ika 8 ng umaga sa baybayin ng baranggay LDP.

Layunin ng programang ito na ipabatid sa lahat ang kahalagahan ng ating kalikasan kung kaya’t ito ay marapat lamang natin na alagaan at ingatan.

Sa pamumuno ni Mayor Rundy C. Ebdane, Vice-Mayor Irenea M. Binan at LGU-Iba ay taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa kabila ng masungit na panahon. Maraming salamat po sa inyo Ibanians😘

#BagongIba

Visit Us