African Swine Fever Forum


Minabuti ng pamahalaang lokal ng bayan ng Iba, sa pamumuno ni Mayor Rundy C. Ebdane na magkaroon ng pagpupulong upang talakayin ang mapirwisyong African Swine Fever na syang laganap ngayon sa ating mga alagang baboy.

Katuwang ang Provincial Veterinary Office, Municipal Agriculturist Mrs. Eden Tabua at mga Swine Raisers ay kanilang tinalakay ang pagsusulong ng mga pamamaraan kung paano maiiwasan at mapupuksa ang mapaminsalang virus na ito sa mga alagaing baboy at biik.

Bagamat hindi naman nakakahawa ito sa tao, binigyang pansin ito ng ating lokal na pamahalaan na talakayin ito at bigyang lunas upang makaiwas perwisyo sa mga nagnenegosyo.

#AfricanSwineFeverForum #BagongIba

Visit Us